ON ACQUITTAL OF ALLEGED PORK-BARREL QUEEN JANET LIM-NAPOLES

Photo courtesy: Ruy L. Martinez, The Manila Times

Masamang senyales ito dahil una, nangangahulugan na hindi pinaniniwalaan ng korte ang testimonya ni Benhur Luy na siya ring key witness sa mga PDAF cases, o mga kaso sa tinatawag na pork barrel. Paano na ang PDAF cases?

Dahil pangalawa, ang Solicitor General pa ng Pilipinas, ang opisyal na tagapagtanggol ng republika, ang nagsabi sa Court of Appeals na nagkamali ang Makati court sa pagpataw ng guilty verdict sa tinaguriang Pork-Barrel Queen. Paano na ang iba pang kaso ni Napoles? Bakit pinagtatanggol ng tagapagtanggol ng bayan ang Pork-Barrel Queen?

At pangatlo, P10 billion ang nawala sa kaban ng bayan, perang dapat sana’y napunta sa agrikultura, sa mga proyektong makikinabang ang magsasaka, pero napunta sa bank account niya at ng ilang mambabatas. Paano pa maibabalik ang perang ito?