Kasalukuyang pinaguusapan ngayon sa Senado ang pagbuo ng Trust Fund Committee na mangangasiwa sa P75 bilyong Coco Levy Fund upang ito’y magugol sa ikauunlad ng industriya ng niyog at sa ikagiginhawa ng buhay ng ating mga magsasaka. Ngunit saan nga ba galing ang Coco Levy Fund? Ipapakita sa video na ito ang hirap na pinagdaraanan ng ating mga magniniyog upang kumita sa copra na pinatawan pa ng buwis noong panahon ng Martial Law.