ON SOJ AGUIRRE SAYING JANET NAPOLES CAN TURN STATE WITNESS

Napoles will say anything just to save her skin.

Paano nangyari na yung pinakamalaki ang nakulimbat sa pork barrel na mas malaki pa sa bawat politico – dahil sa lahat nung congressman at senador na kanyang kasabwat ay may hati siya — ay gagawing state witness?

Umaasa pa rin tayo na hindi ito papayagan ng korte, na siyang may huling pasya kung maari bang gawing state witness ang isang akusado o hindi.

Naniniwala tayo na hindi papayag ang korte na gawin siyang state witness dahil magiging katawa-tawa ang ating sistema ng katarungan kapag yung pinakamalaking nambulsa ng pondo ng gobyerno, yung nakipaghati sa lahat ng mga akusado ay siya pa ang mapapawalang-sala.

Base sa ebidensya at testigo, may kickback si Napoles sa bawat politiko kaya kung isama lahat ng nabulsa niya, di hamak na mas malaki ang nakuha niya sa bawat politiko.

Mastermind ang tawag dun at hindi dapat pumayag ang korte na maabswelto siya.