Hindi ako naniniwala siya ay bayani. Kung siya ay bayani bakit natin siya pinatalsik noong 1986? Kung siya ay bayani, bakit $4.5 bilyon na ang naibabalik na nakaw na yaman? Hindi ako naniniwalang siya ay bayani. Hindi siya dapat tularan at hindi siya dapat magsilbing inspirasyon. Ang Libingan ng mga Bayani ay itinatag sa isang RA para magsilbing inspirasyon para tularan ang mga bayani natin. Kung ganoon ay hindi dapat siya ilibing doon.

Ano man ang description doon, hindi kinilala ‘yung mga naging karumal-dumal na pangyayari noong 1972 hanggang 1986 na nakakalungkot isipin na para bagang ibinabaon na lamang sa limot itong mapait na pangyayari sa ating kasaysayan. Hindi dapat dahil kapag ganoon ay pwede palang ulitin dahil pwede palang kalimutan ‘yung ganoon at pwede palang magkalimutan. Hindi naman tama ‘yon.