On President’s Report on COVID Emergency Powers – Ika-3 Linggo ng ECQ #TanongNgTaongBayan: Nasaan ang Special Purpose Funds (SPFs)?

Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on President’s Report on COVID Emergency Powers

Ika-3 Linggo ng ECQ #TanongNgTaongBayan: Nasaan ang Special Purpose Funds (SPFs)?

Sa papasok na ikatlong linggo ng Enhanced Community Quarantine at isang araw matapos matanggap ng Kongreso ang unang ulat ng Pangulo ukol sa Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11469), may mga nais kaming hingan ng pagpapalinaw.

Ayon sa Section 4 ng RA 11469, ang Pangulo ay may kapangyarihang:

“…reprogram, reallocate, and realign from savings on other items of appropriations in the FY 2020 GAA in the Executive Department, as may be necessary and beneficial to fund measures that address and respond to the COVID-19 emergency, including social amelioration for affected communities and the recovery of areas, sectors, and industries severely affected.”

The unreleased appropriations are estimated to be at P372.7 billion under the Special Purpose Funds (SPFs).

Ayon sa ulat, as of March 27, wala pang pondo ang na-reprogram, na-reallocate, o na-realign dahil wala pang naisumiteng final budgetary requirements ang IATF — maliban nalamang sa P500 million na dagdag sa Quick Response Fund ng DOH.

Bukod pa rito, ang mga fund disbursement na nakasaad sa ulat ay nanggaling na sa mga pre-existing allocation sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Sa madaling sabi: ang ginamit at ginagamit pa rin na pondo para sa mga programa kontra COVID ay mula pa rin sa kasalukuyang pondo na meron sila mula sa GAA. Hindi pa ginagamit ang P372.7 bilyong pondo mula sa SPF.

HindI pa ginagamit ang special funds sa ilalim ng batas.

Saan ito gagamitin? Kailan isusumite ng IATF ang kanilang budgetary requirement?

Maiging mas maging transparent ang pamahalaan ukol sa mga ginagamit na pondo. Umaasa kami na sa susunod na mga araw, mas maging malinaw kung nasaan ang pera.

Pera ito ng taong bayan para sa taong bayan.