Pakikiramay sa mga iniwan ni Sen. Tessie Aquino-Oreta: Pangilinan

“Saktong-sakto na TAO ang tawag kay Sen. Tessie Aquino-Oreta. May malasakit, mababang-loob, at may puso, lalo na sa kanyang adbokasyang edukasyon. Marahil nakuha niya ito, bilang bunsong kapatid, sa kanyang kuyang si Ninoy Aquino.

Noong nasa Senado siya, tiniyak niyang ipatupad ang mga batas na magbibigay sa mga kabataan ng pagkakataon na magkaroon ng dekalidad na edukasyon at magandang kinabukasan.

Pamana niya ito sa mga naiwan niyang naghahanda ng landas ng bayan.

Mami-miss namin si Sen. Tessie at nakikiramay kami sa mga mahal niya sa buhay.”