Hindi natin kailangan ng anti-terror bill, kailangan natin ng maayos na serbisyo ng gobyerno: Pangilinan

“Hindi natin kailangan ng anti-terror bill, kailangan natin ng trabaho, pagkain, health service, public transport at maayos na serbisyo ng gobyerno.

Hindi natin kailangan ng magbibigay ng mas maraming kapangyarihan sa gobyerno para supilin ang karapatan ng mamamayan, lalo na’t palpak o kurakot ang sukli ng kanilang tiwala.

Pakinggan natin ang hinaing at hiling ng taumbayan. #JunkTerrorBill”’