Google reCaptcha: Invalid site key.

Photo: Sen Kiko with Alexander Fernandez, Rice Farmer in Nueva Ecija

SINO SI

KIKO

Nanunungkulan bilang Senador mula 2016. Senador din mula 2001 hanggang 2013. Naging cabinet secretary at presidential assistant noong 2014. Nanilbihang abogado at magsasaka. Tunay at tapat na naglilingkod sa bayan. Mahusay na servant-leader. Bukod sa mga batas na may impact sa araw-araw natin, marami ring mga innovative project si Kiko Pangilinan.

BAKIT SI

KIKO

Malinaw at konkretong plataporma. Dobleng budget sa agrikultura. Suguruhing tumataas ang kita ng mga magsasaka't mangingisda. Isulong ang buong implementasyon ng Sagip Saka Act at bumili ng direkta sa kanila sa tamang halaga. Mag-invest at isulong ang sustainable at climate-friendly na mga pamamaraan sa agrikultura, kasama na ang water resource management. Ilipat ang tutok sa polisiya: hindi sa pag-aangkat kundi sa pagpapalakas ng lokal na produksyon. Bigyan ng incentives ang pribadong sektor na maglalaan ng suporta sa mga agri enterprises. Isulong ang Magna Carta for Small Farmers. Buoin ang pinakamalaking Public-Private Partnership kontra gutom: Mga food bank kada barangay na suportado ng mga simbahan at ng pribadong sektor.

MGA NAISABATAS

NI

KIKO

Republic Act 11321 o ang Sagip Saka Act. Ang layunin nito ay mapataas ang kita ng ating mga Pilipinong magsasaka at mangingisda kaugnay sa mga mamimili, pribadong sektor, at pamahalaan.

Read more

Republic Act 10929 o ang Free Internet Access in Public Places Law, binibigyang halaga at sinisiguro ang libreng internet sa iba’t ibang pampublikong lugar sa bansa, tulad ng mga pampublikong paaralan, public transport terminals, public hospitals at public libraries, etc.

P100B na benepisyo para sa mga magniniyog at coconut industry! Ang Republic Act 11524 o ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act ay sinisigurong hindi mapag-iiwanan at may nakalaang badyet para saating mga Coconut Farmers!

SUMAMA SA

BIYAHE NI

KIKO

Patuloy na makikinig, makikiisa, at lalaban para sa bawat Pilipino. Sama-sama tayong babangon at ipaglalaban ang maayos at inklusibong pamamahala para sa kapakanan ng ating magsasaka't mangingisda, ng ating pamilya, at ng ating bansa.

NANDITO NA

SI

KIKO

Nandito Na Si Kiko – Rooster MASTER

NANDITO NA SI KIKO
Full Song Lyrics

SFX:
Rooster crows.

SUNG:
Nandito na si Kiko, Kiko Pangilinan
Pagkaing abot kaya, kanyang pinaglalaban.
Pagkaing masustansya sa bawat Pilipino
Di ‘to pribilehiyo, karapatan ito!
Babay, goodbye sa gutom,
hello, hello, pagkain
Si Kiko Pangilinan, yan ang adhikain.
Babay, goodbye sa gutom,
hello, hello, pagkain
Si Kiko Pangilinan ang bise dapat natin!

RAP:
Presyo ng food parang kilay ng sosyal
Ang taas-taas, ang mahal mahal.
Angal ng tao saan mang lalawigan
Sa anumang palengke, anumang bagsakan.
Mangisda’t magtanim ay di biro
Ang liit ng kita, ang hirap ng trabaho
Silang mga nagpapakain sa atin
Di tama na waka silang makain!

RAP:
Kaya naglabas si Kiko ng batas
Sagip Saka, itong panglutas
Sa presyong mataas ng gulay, prutas,
Isda, karne, manok, at bigas.

Rekta na sa merkado
ang benta ng mga produkto
Kasabay nito, tataas ang kita
ng magsasaka’t mangingisda
Maraming kandidato parang rapper na astig
Ang galing bumoka, matinik ang bibig
Ibahin niyo si Kiko, siya’y puro gawa
Di mo ‘to maaaring ipagkaila.

SUNG:
Babay, goodbye sa gutom,
hello, hello, pagkain
Si Kiko Pangilinan, yan ang adhikain
Babay, goodbye sa gutom,
hello, hello, pagkain
Si Kiko Pangilinan ang bise dapat natin!
Si Kiko Pangilinan ang bise dapat natin!

×