02 SEPTEMBER 2025
Salamat naman at itataas na ng gobyerno ang food-poor threshold mula mga 11,000 pesos hanggang 13,873 pesos kada buwan. Dahil sa totoo lang, fake news ‘yang 21 pesos kada kainan (almusal / tanghalian / hapunan) ay sapat na sa isang pamilyang may dalawang magulang at tatlong anak. Kulang na kulang yan.
Ang isang simpleng cup noodle soup ay nagkakahalaga na ng mga 45 pesos, at ang pinakamaliit na cup ay 25 pesos. Kung idagdag pa ang gastos sa tubig, panggatong, at iba pang mga kakainin, nakakawalang dignidad yang 21 pesos.
Pero kahit maliit ang itinaas, kahit papaano ay may pagkilala na ang lumang datos ay luma na. Inamin mismo ito ni Secretary Balisacan, at ilalapat na ng gobyerno ang updated food-poverty threshold simula ngayong taon.
Mahalaga ang update na ito dahil ang mga programa ng gobyerno tulad ng 4Ps ay nakatuntong sa mga ganitong datos upang matukoy kung sino ang makakakuha ng suporta. Kung masyadong mababa ang threshold, may mga pamilyang hindi maisasama sa programa.
Ngunit gusto ring makita ng ating mga kababayan ang pagbaba ng presyo ng mga pangunahing pagkain, para kahit pa naka-peg ang food-poor threshold sa anumang halaga, ang halagang iyon ay tunay na makapagbibigay ng masustansyang pagkain para sa lumalaking mga bata at mga nagbubunong magulang.
Dapat walang pamilya ang hindi naaabutan ng tulong ng gobyerno dahil lamang sa lumang datos nito.
