July 2023 o dalawang taon na mula nang ideklarang tapos na ang Covid-19 public health emergency. Huli man, salamat pa rin at pinayagan nang i-release ang pondo para sa 1.4 million claims ng ating healthcare and non-healthcare workers.
Tinrabaho na nila ito mula noong 2021 hanggang 2023 sa local government units, private health facilities, state universities, and other institutions.
Sana nga nandito pa sila sa Pilipinas. Marami sa kanila ang nangingibang-bansa. Isa sa mga rason ay ang maliit at late na release na kita.
Kung tutuusin, napakaliit ng 6.77 billion pesos ng pondong ito kumpara sa 42.3 billion pesos to 118.5 billion na nawawala bunga ng korapsyon sa flood control projects mula taong 2023 hanggang 2025.
Hindi victimless crime ang corruption. Pag ninanakaw ang pondo ng bayan, may mga essential na bagay o serbisyo na hindi napopondohan, may mga di nababayaran nang tama o sa oras.