PAHAYAG NI SEN. KIKO PANGILINAN SA CYANIDE FISHING NG MGA CHINESE VESSEL SA AYUNGIN SHOAL

Bawal ang paggamit ng cyanide sa pangingisda. Bawal ang mangisda sa EEZ ng may EEZ (Exclusive Economic Zone). 

Mabuti na lang at naipagtanggol ng ating Navy ang ating karagatan at coral reefs, na tahanan ng maraming marine life. Salamat sa ating Navy at nahuli at na-escort palabas ng bansa ang nagnanakaw ng pagkain ng Pilipino, at sumisira sa pinagmumulan ng kabuhayan ng ating mga mangingisda.

Hindi natin pababayaang lasunin ang ating mga tubig at nakawin ang ating kinabukasan.