STATEMENT OF SEN. KIKO PANGILINAN CALLING FOR URGENT PASSAGE OF THE ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW

Sa ika-2 ng Pebrero, mag-39 years old na ang 1987 Constitution. Pero sa halos apat na dekada, dinededma lang ang maliwanag na utos nito na ipagbawal ang mga dinastiyang politikal. 

Noong LEDAC noong Disyembre, isinama ng Pangulo ang Anti-Political Dynasty Law sa priority ng kanyang administrasyon ngayong taon. 

Kasama ng pagtutol laban sa kurakot, napakalakas ng sigaw ng bayan: FOBI (fear of being included) sa poverty line. Napakalinaw rin ng datos sa mga pag-aaral na nagsasabing kung saan pinakamalalakas ang dinastiyang politikal, pinakamalalalim ang karukhaan. Wala nang palusot ang lulusot sa patuloy na pagkakaantala ng batas. 

Kulang na lang ang aksyon. 

We thus respectfully call on the Senate leadership to start ASAP hearings on the filed anti-dynasty bills of Senators Risa Hontiveros, Ping Lacson, Robin Padilla, Bam Aquino, JV Ejercito, and myself. 

Ito na ang panahong patunayan na seryoso tayo na gusto nating maging paldo ang bansa. Na ang susunod na Pangulo, hindi kabilang ng political dynasty. Dahil kung walang political dynasties, walang mahirap. Nakamasid ang taumbayan, at ‘di na bebenta ang muling pagpapaliban pa.