PAHAYAG KAUGNAY NG PLANONG PAGSASAMPA NG ETHICS COMPLAINT NI SENATOR ROBIN PADILLA

Sa tagal ko dito sa Senado at sa dami ng sigawan o pagtataas ng boses na nangyari na rito, ngayon lang siguro magkaka-ethics case na ganito. Yung pagtataas ng boses sa mainit na debate ay hindi man kagustuhan ay hindi naiiwasan at nangyayari sa plenaryo. Kung laban sa ethics yun, marami na sanang mga senador ang sinampahan at pinarusahan.

Huwag maging balat sibuyas. Walang legal basis at walang kwenta ang ethics case complaint na yan. Hintayin na lang natin yung reklamo nya.

Kung sakali man, sasagutin ko ng kontra-reklamo sa kanyang paglabag sa parliamentary rules at pagiging out of order at kawalan ng proper decorum, ang pagbabanta sa akin, pananakot at paninindak sa akin sa plenary session kanina habang naka recess. Hindi uubra ang pambubully at pa siga siga sa akin. Mas may basehang kasuhan yang pasiga-siga at kawalan ng proper decorum sa kapwa senador sa Senado.

Ayaw ko ng away. Hindi ako palaaway pero hindi ko siya aatrasan kung gusto niya ng kasuhan.