PAHAYAG NI SEN KIKO TUNGKOL SA MINDANAO EARTHQUAKE

Nakikipag-coordinate po ang ating opisina sa mga disaster response agencies sa ground, kabilang ang OCD, NDRRMC, DSWD, DPWH, at mga lokal na pamahalaan, upang makatulong sa evacuation, relief, at emergency operations.

Patuloy ang ating panalangin para sa ating mga kababayan sa mga apektadong komunidad, lalo na sa mga pamilyang nasa coastal areas na tinamaan ng malakas na lindol at sa tsunami na tinatayang mangyayari sa mga baybayin ng Sarangani at ibang bahagi ng Mindanao.

Itinutulak din nating mabigyan ng intervention ang mga batang mag-aaral na na-trauma sa kanilang first day of school.