SENATOR KIKO PANGILINAN’S STATEMENT ON TACLOBAN KILLINGS

Taos-puso akong nakikiramay sa mga naiwan ng mga nasawi.

Mariin kong kinokondena ang pamamaril na nangyari sa loob ng paaralan.

Walang lugar ang karahasan sa ating lipunan, lalong-lalo na sa mga lugar na dapat ay ligtas para sa mga bata.

Nananawagan ako ng mabilis, ganap, at tamang pagpapatupad ng Juvenile Justice Law. Hindi pwedeng pakawalan ang mga suspek kahit menor de edad. Dapat dumaan sila sa prosesong itinakda ng batas.

Sa ilalim din ng batas, may pananagutan ang mga magulang ng mga suspek kung naging pabaya.

Itinatakda rin ng batas na kailangang bigyan ng DSWD ng karampatang suporta ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya hanggang makamit nila ang katarungan.