Sa pamilya, mga mahal sa buhay, at sa lahat ng sumusuporta kay Alicia “Mima Alicia” Lipata, taos-puso akong nakikiramay. Alam kong masakit ang mawalan ng kamag-anak at kaibigan, lalo na’t kinitil ang buhay sa marahas na paraan.
Malaki ang pasalamat ko sa kanya. Malaki ang ambag ng kanyang matapang at mahalagang boses sa aking kampanya noong 2025. Nanindigan siya kahit alam niyang hindi iyon laging madali o popular. Hindi siya natakot magsalita, magtanong, at manindigan sa tingin niyang tama. Ipinakita niya na buháy ang demokrasya sa mga ordinaryong Pilipino na handang makilahok, magpahayag ng saloobin, at managot sa kinabukasan ng ating bansa.
Hindi dapat matapos ang pagpatay sa kanya sa pagdadalamhati lamang. Dapat lumabas ang buong katotohanan. Dapat magkaroon ng masinsinang imbestigasyon, at dapat mapanagot ang sinumang may kagagawan sa kanyang pagkamatay.