SENATOR KIKO PANGILINAN’S MESSAGE OF CONDOLENCES FOR FILIPINO SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA

Ipinapaabot ko ang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa dalawa nating kababayang tripolante na nasawi at isang nawawala sa gitna ng giyera at drone strikes ng Russia sa Black Sea laban sa Ukraine.

Malaki ang sakripisyo ng bawat Pilipinong seafarer na lumalayag, lalong-lalo na ngayon sa gitna ng panganib na dulot ng mga giyerang nangyayari sa mundo: ang Russia-Ukraine war ganun din ang giyera sa Middle East.

Nagbibigay-pugay tayo sa kadakilaan at sakripisyo nila at ng lahat ng mga OFW para maitaguyod at mabigyang kaginhawahan ang kanilang mga pamilya, mabigyan ng sapat na pagkain sa pang-araw-araw, at mapaaral ang mga anak. Nawa’y manatili ang kanilang kadakilaan sa ating mga puso at isipan.

Dalangin ko ang agarang pagkilos ng pamahalaan upang maparating ang mga nasawi at pagkilos upang mahanap ang nawawala.

Muli, nakikiramay.