Agrikultura, sagot sa unemployment rate – solon

May 10, 2011

Jojo Sicat
Bomba
May 10, 2011

Naniniwala si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na sagot sa kakulangan ng trabaho sa bansa ang pagpapaigting sa industriya ng agrikultura.

Hinikayat ni Sen. Pangilinan ang gobyerno na isama sa kanilang plano ang mga kababayan natin na naghahanap ng trabaho subalit walang oportunidad dahil ang ilan ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Ginawa ni Pangilinan ang panawagan matapos ang naging pahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang plano ng kanyang pamahalaan na ang 50,000 mga informal settlers sa Metro Manila ay ililipat sa mga Agricultural lands upang magkaroon ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagtatanim.

Ayon kay Pangilinan, maganda ang plano ng Pangulong Aquino subalit dapat na isama narin dito ang mga masisipag na walang trabaho subalit walang oportunidad.

Aniya dapat na hikayatin ang mga kabataan na walang trabaho na pasukin ang pagtatanim o pagnenegosyo sa agrikultura, nang sa gayon ay mabawasan ang kawalan ng trabaho, makakatulong pa ito sa sa pag-unlad ng agricultural industry na resulta ay pag-angat ng supply ng pagkain sa bansa.

“Nearly three million are jobless,” Our farmers’ average age is 57. We need to encourage a new generation of Filipinos to go into farming and agribusiness.” Ani Pangilinan.

“We need to create a core of young people and turn them into ‘farmtreneurs’ willing to go into farming and agribusiness and boost rural development and create jobs in the agriculture and fisheries sector. Instead of leaving the country to be employed abroad, we should encourage the jobless and unemployed to leave the urban centers and go into farming in the rural areas,” wika pa ni Pangilinan.