Appeal to Extend Voter Registration

PRIVILEGE SPEECH
(as delivered)
SEN. FRANCIS “KIKO” PANGILINAN
Appeal to Extend Voter Registration
14 September 2021

Good evening to our colleagues.

I rise on a matter of personal and collective privilege.

Noong Lunes, September 6, nagbukas na muli ang voter registration sa mga lugar sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos ang halos isang buwan ng pagsara ng voter registration sa NCR at iba pang mga siyudad na napasailalim sa ECQ.

Ngunit sinalubong ang pagbubukas na ito ng napakahabang mga pila para lamang makapag-rehistro.

[VIDEO]

Marami ang nagpadala sa amin ng mga litrato at nakita natin na, na kahit pa sinasabing extended na ang voter registration hours ng Comelec, ay talaga namang mahaba ang pila sa labas ng ilang mga Comelec offices.

Ayon sa aming youth volunteer na si Ed, pumunta sya sa Comelec Quezon City noong Martes. Sabi ng Comelec, ang registration hours ay 8 a.m. to 7 p.m. Mondays to Fridays, at 8 a.m. to 5 p.m. kapag Sabado o kaya ay holiday.

Nakarating sya ay alas-tres ng hapon, pero cut-off na pala ng 2:30 p.m. Ang ilan daw sa mga nakapila sa Quezon City, 6 a.m. pa lang ay pumila na. 7 a.m., mahaba na ang pila. Pero 300 lang daw ang ina-accommodate kada araw.

Swerte pa nga kung 300 ang cut-off. Meron daw mga presinto na 200 lang ang cut-off sa isang araw. Meron pang mga presinto na 50 per day lang ang tinatanggap.

Nang i-tweet ko ang lagay ng pila para makapagparehistro sa Quezon City, narito ang ilang reply:

Ayon kay @Hope4daBetter: “Isa na ako sa mga di pa rehistrado. Actually, tatlo kami sa bahay. Lahat ng dokumento namin handa na 2 months ago pa kaso mahaba lagi ang pila at takot kami sa Covid. Nagkaroon naman dito sa Eastwood ng satellite registration pero nawala na rin. Sana ibalik ang satellite registration.”

Sabi naman ni @mariajuno0621: “Senator, I waited po talaga ma-vaccinate bago ako makapagpa-register. Here in Makati, ubos na daw po yung slot.”

Para kay @ittsssmeenikka: “Dapat talaga ma-extend, isipin mo po halos nasa 80 people lang ata kami. Pero 2 p.m., na-cut-off na agad kahit hanggang 5 p.m. dapat. Kinailangan pa namin bumalik kinabukasan, tapos up to 60 na lang daw ma-k-cater. The rest na pumila, uwi. Buti sana kung laging may time pumunta and may pamasahe.”

Sabi pa nung isang comment: “Merong mg personnel, mga security na ang sinasabi, umuwi nalang daw wala namang mangyayari sa pagrehistro.”

Mula mismo sa mga nakapila, ang daming balakid sa pagpaparehistro:

  • Takot sa Covid.
  • Ubos na ang slot.
  • Hirap makakuha ng oras at walang pamasahe.
  • At may pag-discourage pa.

Ilan lamang yan sa marami at napaka-valid na constraints ng ating mga kababayan para magparehistro.

Ayon sa PSA, ang estimated voting population sa darating na halalan ay 73.3 million. Sabi naman ng Comelec as of August 24, mayroon nang 61 million na rehistrado. Ibig sabihin, mayroon pang 12 million Filipinos not yet registered to vote in the next 17 days.

Ayon naman sa nakalap ng ating opisina, pinakakonti ang registration sa NCR at Calabarzon, expectedly mga region na pinakatinamaan ng Covid at mga lockdown. While the national average of the registered voters vis-à-vis the PSA projection is 86.6%, 69.2% lang sa NCR at 76.5% sa Calabarzon. Mababa rin sa Central Luzon o Region 3 na 79%.

Kaya ang panawagan natin:

  • We must not disenfranchise our voters.
  • Dapat, bigyan ng pagkakataon ang lahat na makapagrehistro nang ligtas.
  • Dapat, magkaroon ng konsiderasyon sa dami ng pinagdaanang lockdown dahil sa Covid.
  • Dapat, i-extend ang voter registration.

Simula nang buksan ang voter registration noong January 20, 2020, four of ten registration days sa Maynila were lost due to lockdown. Sa NCR, apat sa sampung araw, sarado ang Comelec sa mga gustong magparehistro.

To recall, March 10, 2020 nang sinuspinde ang voter registration dahil sa ECQ. Nanatiling suspendido hanggang August 31, 2020. Mahigit lima’t kalahating buwan. Halos isang kalahating taon hindi makapagrehistro.

Last August 20, 2020, the poll body promulgated Comelec Resolution 10674 which set the protocols for new voter registration under the new normal. Comelec thus suspended registration in all areas under ECQ and MECQ for the duration of these quarantine qualifications.

Nang nakaranas ng surge ng Covid cases nitong March, voter registration suspendido sa Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at NCR. Nag-resume ang voter registration noong May 17, 2021 nang bumalik sa GCQ status. Nawalan na naman ng halos dalawang buwan para sana makapagrehistro.

Nationwide, dahil sa suspension ng 5 and a half months, tinatayang almost 30% ng mga araw na sanay’s makapagrehistro ay nawala.

Hindi pa rito kasama ang mga lugar na kinailangang magsuspinde dahil walang pasok o kaya naman ay matinding tinamaan ng back-to-back na bagyo nitong nakaraang taon.

Hiling sana natin: isang buwan pa na extension para sa mga buwan na nawala dahil sa lockdown.

Mahalaga sa COMELEC na mabigyan ng oras at panahon para maihanda ang voter’s list bilang prerequisite for the preparation and completion of its Project of Precincts or POP, we believe that a one-month extension will not delay Comelec’s preparation.

At sa katunayan, mula 2013 at 2016 at 2019, October 31 ang naging deadline ng registration, hindi September 30.

Bakit noong walang suspension ng halos kalahating taon dahil sa Covid, mas mahaba ang registration period? Bakit mas maikli sa panahon ng Covid? Dapat, at the minimum, parehas lang sana: October 31.

Para naman sa national at local elections ng, sabi nga natin, 2013 at 2016, October 31 ang deadline.

Sa ating mga kasamahan sa Senado, the Supreme Court itself recognizes the Comelec’s power to set the deadline of voter registration, so long as no registration may be done during the period starting 120 days before a regular election.

Based on this alone, Comelec has the prerogative to set the deadline of voter registration before January 9, 2022.

Pero hindi natin hinihiling iyon. Isang buwang lang ang hinihingi natin dahil kinikilala natin, may mga pagsubok din ang Comelec. Nariyan pa rin ang Covid, nariyan pa rin siyempre ang paghahanda para sa 2022 election.

Another youth volunteer shared with us her experience. She said she only turned 17 this year and decided to register so she can vote next year. Inihanda na nya ang kanyang mga requirements ilang linggo bago pa pumunta ng city hall. Pero nung dumating sya sa kanilang Comelec, wala raw social distancing na naganap doon. Hindi nasusunod ang mga safety protocol.

And sabi nya: “There were a lot of people and I felt really unsafe. What if someone in that city hall was positive? I have asthma and if I catch the virus, it would be difficult for me to recover.”

Pagka-submit nya raw ng kaniyang documents, pinaupo sya sa tent na puno ng tao. Dikit- dikit daw ang mga upuan kaya hindi pwede ang physical distancing. Nung sinubukan nyang umupo sa medyo malayo at iwas sa siksikan, hindi sya pinayagan. Dapat daw doon lang sa tent ang mga magre-register.

Apat na oras daw syang naghintay sa pila bago matapos makapagrehistro. Sabi sa kanya ng mga kaibigan nya, swerte na raw iyon dahil sila, isang buong araw pumila ang iba.

For her, she hopes that voter registration will be extended so that registration areas will not be too crowded — so that there is more chance for health safety protocols to be followed because “the virus is real and deadly, and doesn’t choose its own victim according to age.”

Ang sinasabi lang po niya: Makikita sa mahahaba, matatagal, at masisikip na pila na gustong-gusto ng tao ang makapag-rehistro para makaboto sa 2022.

Hudyat din ang mga pilang ito na kailangang magkaroon ng extension ng registration para ang mga nagpaparehistro hindi pa lalong ma-expose o tumaas ang panganib na magkasakit.

The September 30 deadline was set before the pandemic. It is a pre-pandemic deadline. Hindi nakunsidera iyong mga mahahabang mga suspension ng registration period. Kaya dapat nagbago na ang sitwasyon. Kinakailangan naman magmutate rin, ika nga, iyong mga plano ng Comelec pati na iyong planong tapusin ang registration ng September 30.

Walang sinuman noon ang nakahula na sa bawat paglabas ngayon ng bahay ay isang malaking banta sa kaligtasan.

Dapat mag-adjust ang COMLEC para sa realidad na marami pa ang gustong magparehistro.

We recognize and commend the many adjustments Comelec has already made to accommodate pandemic restrictions:

  • Nagpartner ang Comelec sa mga malls tulad ng SM Robinsons, Ayala at ginawang satellite registration centers ang mga mall na ito;
  • Pinayagan ng Comelec ang voter registration sa mga lugar na nakapaloob sa MECQ;
  • Binanggit na natin na inextend ang voting hours
  • Ni-reactivate ang Comelec records ng mga hindi nakaboto noong dalawang huling eleksyon.

But precisely given these pandemic restrictions and many adjustments that have to be made, naniniwala tayo na rasonable at marapat lang na i-extend ang voter registration nang isang buwan, o hanggang October 31, 2021.

Kaya nag-file tayo ng Proposed Senate Resolution 851 na pinirmahan nina Senators Recto, Drilon, Binay, De Lima, Hontiveros, and Villanueva. Hinihikayat natin ang Commission on Elections na seryosong ikonsidera ang pag-extend ng deadline ng voter registration para mabawasan at hindi mangyari ang voter disenfranchisement.

Umaasa rin kami na mariring ng Comelec ang hiling ng Senado kung sakaling ang resolusyon na ito ay maipasa.

Extend the pre-pandemic voter registration deadline from September 30 to October 31, 2021.

Mr. President, the Resolution 581 is now with the Senate Committee on Electoral Reforms. It was referred there. We have consulted with Senator Imee Marcos and I believe she will make a manifestation after this privilege speech.

We are seeking that the Electoral Reforms Committee referral be changed, with the consent of course of the Chairman and of course the permission of the body referred to the Committee on Rules so that hopefully, so that our plenary can adopt the said resolution with the permission of our colleagues.

Maraming salamat, Mr. President, Majority Leader. At we hope to get and secure the support of our senators to a request that we believe is reasonable and necessary.

Magandang araw at maraming salamat.

END


Share