Bakit napakagaling ng mga Pinoy maghanap ng solusyon?

Sa dami ng pinagdaanan ng bansa, masarap balikan at patunayan na noon pa man, nasaksihan na natin kung gaano kagaling maghanap ng solusyon ang mga Pinoy.

Kaya naman laking pasasalamat natin sa Ten Accomplished Youth Organizations (TAYO) sa patuloy nilang pagkilala sa mga kabataang Pinoy at sa kanilang ambag sa bayan. Ang TAYO ang kauna-unahang award-giving body na kumikilala sa mga kontribusyon ng mga kabataang organisyason sa larangan ng paglilingkod.

Ang TAYO, at ang kontribusyon ng mga kabataan sa kanilang mga komunidad, ang ‘KEY’ nila para tuluyang buksan ang pinto patungo sa mas maayos na hinaharap.