

GAWING ABOT-KAYA ANG PAGKAIN PARA GOODBYE GUTOM!
- Buoin ang pinakamalaking Public-Private Partnership kontra gutom: magtayo ng mg food bank kada barangay na suportado ng mga simbahan at ng pribadong sektor.
- Ibaba ang presyo ng pagkain at bilihin.
- Palawakin ang mg feeding program para masugpo ang malnutrisyon.
- Tiyakin ang kinabukasang walang nagugutom para abot-kamay ang mga pangarap sa buhay.

IBUHOS ANG BUONG SUPORTA SA AGRIKULTURA
- Isulong ang bung implementasyon ng Sagip Saka Act para direktang bumili ang gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda sa tamang presyo.
- Isulong ang Magna Carta for Small Farmers.
- Doblehin ang budget at suporta sa sektor ng agrikultura.
- Siguruhing tumataas ang kita ng mga magsasaka’t mangingisda.
- Mag-invest sa sustainable at climate-friendly na pamamaraan sa pagsasaka.

UNAHIN ANG INTERES NG PILIPINONG MAGSASAKAAT MANGINGISDA
- Ilipat ang tutok ng mga polisiya mula sa pag-aangkat tungo sa pagpapalakas ng lokal na produksyon. Huling baraha lamang ang importasyon.
- Palawakin ang mga oportunidad ng mga innovative industries sa Pilipinas.
- Bigyan ng tax incentives ang pribadong sektor na maglalaan ng suporta sa mga agri enterprises.
- Siguruhing unlad ang mga maliliit na negosyo at dadami pa ang mga trabaho.

ITAGUYOD ANG GOBYERNONG NAKIKINIG AT INKLUSIBO
- Isama ang mga magsasaka at mangingisda sa pagbabalangkas ng mg plano at polisiya ng gobyerno.
- Tiyaking may boses at pinapakinggan ang mga magsasaka at mangingisda sa mga programang pang-agrikulturang pamahalaan.
- Palaguin ang puhunan para sa ating magsasaka’t mangingisda, at para na rin sa ating pamilya at bansa.
MGA NAGAWA NI KIKO
Bilang kinatawan ng Senado sa Judicial and Bar Council
2001 hanggang 2008

Dinoble ang sweldo at benepisyo ng mga kasapi sa hudikatura
dahil sa Judiciary Modernization and Compensation Act o ang Republic Act 9227

Dinagdagan ang allowance ng mga prosecutor at staff ng Department of Justice
dahil sa Prosecution Service Act o ang Republic Act 10071

Dinagdagan ng P3 bilyon ang budget ng hudikatura at ang sistemang pang-hustisya ng Pilipinas
matapos imungkahi ang pagbuo ng Judicial Executive, Legislative, Advisory and Consultative Council (JELACC)

Hiniwalay ang mga batang nagkasala sa mga malalaking kriminal
dahil sa Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act
Bilang Chairman ng Senate Committees ng Housing at Education
2001 hanggang 2004

1,000 Gawad Kalinga sites ang tinulungan ipatayo sa labas ng Metro Manila mula sa 20, mula 2001 hanggang 2007
dahil sa paglaan ng isa sa pinakamalaking halaga ng pagpopondo ng gobyerno

200 paaralan / classroom ang naipatayo sa 45 probinsya sa 12 rehiyon
kasama ang Filipino Chinese Chamber of Commerce
Mula nang siya ay mahalal muli sa Senado noong 2016, naipasa ang

Republic Act 11321
Sagip Saka Act
Layon nitong pataasin ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pagkonekta sa kanila sa mga mamimili, kasama ang gobyerno at pribadong sektor.

Republic Act 11524
Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act
P100B para sa pag-unlad ng magniniyog at coconut industry

Republic Act 11210
105-day Expanded Maternity Leave Law
105 days na ang PAID maternity leave ni Nanay. 120 days leave naman sa mga solo parent.

Republic Act 10929
Free Internet Access in Public Places Law
Libreng internet sa iba’t ibang pampublikong lugar sa bansa, tulad ng mga pampublikong paaralan, public transport terminals, public hospitals at public libraries, etc.

Republic Act 10931
Universal Access to Quality Tertiary Education Act
Libre na ang tuition at misc. fees sa state universities, local universities at colleges, at TESDA-run TVI o technical-vocational institution
Bilang Chairman ng Senate Committees on Agriculture and Food, at Social Justice and Rural Development
2010 hanggang 2013

52% karagdagang budget ng agrikultura
matapos pasimunuan ang pagpulong ng Summit AF2025 (Agriculture and Fisheries 2025)
Bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization
2014 hanggang 2015



2.6 milyong puno ng niyog ang nasagip mula sa pananalasa ng cocolisap
inilarawan ng Food and Agriculture Organization of the United Nations na “commendable and praiseworthy” ang isinagawang integrated pest management protocol

P7 bilyon ang natipid sa pondo ng bayan
dahil sa pag-angkat ng bigas sa murang halaga

30 bilyong halaga ng mga big-ticket na irrigation project
ang pinasimunuan sa pag-apruba ng National Economic and Development Authority

Dinagdagan ang budget at mga kawani ng Fertilizer and Pesticide Authority
para maabot ang mga lumalaking regulatory demand ng industriya.
Sa panahon ng pandemya:

Halos 3 bilyong halaga ng produktong agrikutural ang direktang nabili
ng 443 na pamahalaang lokal mula sa mga magsasaka at mangingisda.

P41 bilyon ang alokasyon sa 2021 national budget para sa pagbili ng produktong agrikultural at pangisdaan
ng mga ahensya ng pamahalaan at pamahalaang lokal mula sa mga magsasaka at mangingisda, para sa pagpapatupad ng Sagip Saka Act.

Namahagi ng higit sa 1,700 tablets para sa mga mahihirap estudyante
na nahihirapan sa online distance learning.

Higit sa 36,000 na pamilya na apektado ng mga lockdown ang natulungan
pamamagitan ng ating ayudang bigas, gulay at iba pang pagkain.

Nakapag-abot ng higit 335,000 face masks at PPE
para sa mga frontliners.

2,610 kilos of vegetables
ang ating naihatid sa iba’t-ibang lugar sa bansa upang masigurado na bawat Pilipino ay malusog at ligtas sa sakit
Kwento ng pagKilos ni Kiko

Ka Willy Uriza
Farmer, Nagcarlan, Laguna
“Malaking tulong po talaga sa aming mga magsasaka ang pagbili nang direkta sa amin ng lokal na pamahalaan. Bukod sa mas tumaas po ang kita namin dahil hindi na po dumadaan sa middleman, mas mura ring naibebenta ang mga gulay namin sa mga mamimili.”

Kyla Leigh Yanes
Intern, University of Makati
“I have always wanted to serve the people and this internship became my avenue to express my thoughts. The program helped me realize we have the power within ourselves and to make that power stronger, we need others who have the same goal as ours.”

Love Baronda
President, National Movement of Young Legislators (NMYL)
“Who would have thought na 2 years old pa lang ako, nagbirthing pains pala kayo of conceiving this organization? And because of all your hard work, we are the beneficiaries of your thirty years of labor. So thank you, thank you po sa mga founders natin especially kay Senator Kiko.”

Chuck Manulat
Working student, Asturias, Cebu
“Daghang salamat Senator Kiko. Ang laking tabang nitong tablet na binigay niyo sa akin. Namatay na po ang tatay ko na dating nagtatrabaho sa koprahan. Alam ko, pro-coconut farmers po kayo.”

Ka Jeffrey
Jeepney Driver, UP-Pantranco transport groups
“Tumulong po kaming maghakot ng nabili ng isang grupo ng volunteers sa Bulacan Farmers Agriculture Cooperative. Nakita ko. Yung gulay doon, talagang sariwa. Dinonate po sa aming jeepney drivers’ pantry yung mga nabiling gulay. Masaya din po ako kasi nakatulong ako sa kapwa ko drayber. Nagpapasalamat po kami.”

Benric Castillo
Former child in conflict with the law
“Salamat Sen. Kiko sa inyong batas. Nagkaroon ako ng second chance sa buhay. Naka-graduate na po ako sa Psychology. Gusto ko na rin mag-pay forward, mag-pursue ako ng career in counseling, to guide young boys like myself who have lost their way. Like you to me, I will help them find their way again.”