Balik-bitay mahihirapang lumusot

August 30, 2010

Dindo Matinig
Abante Online
August 30, 2010

Mahihirapan umanong makalusot sa Senado ang panukalang muling ibalik ang parusang kamatayan o death penalty sa bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan matapos igiit ni Senador Juan Miguel Zubiri ang muling pagbuhay sa death penalty bunsod ng madugong hostage drama noong nakaraang linggo na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

Ayon kay Pangilinan, malabo umanong umusad ang panukalang reimposition ng death penalty sa Senado lalo na’t wala umanong senador ang tumutol sa pag-abolish nito noong 2007.
“Sa palagay ko mahihirapan. I think, walang nag-opposed the last time, and I don’t think it’s going to be easy for them to push for the reimposition of death penalty,” pahayag pa ni Pangilinan sa panayam ng radyo kahapon.

Sinabi pa ng senador na base sa datos na nakuha nito, 99.9% umano ng nalagay sa death row ay pawang mahihirap bukod pa sa wala ring pigura na bumaba ang krimen habang ipinatutupad ang parusang kamatayan.

View original post on Abante Online

×