Christmas Message of Senator Kiko Pangilinan

December 24, 2016

viber-image1Walang katulad ang Pasko sa Pilipinas. Sabi nga nila, pinakamahaba ang pagdiwang natin nito. Ber months pa lang, game na: Umpisa na ang pagdating ng mga balikbayan box, ang pagsabit ng mga parol, at walang katapusang kainan at inuman.

Pero parang hindi masyadong masaya ngayon. Marahil dahil imbis na magsaya ay nagluluksa ang maraming namamatayan. Marahil dahil imbis na ‘Merry Christmas’ ay mga mura ang naririnig natin sa ating mga pinuno. Marahil dahil imbis na pagmamahal ay takot at galit ang pinahihiwatig lalo na sa social media.

Kaya ito rin siguro ang panahon para pagnilayan natin ang kwento ng Pasko: May isang sanggol ang ipinanganak sa isang sabsaban dahil wala ng ibang matutuluyan ang kanilang pamilya. Saksi ang mga kapwa niya dukhang mga pastol. Walang piging sa kanyang pagdating kundi isang bituin na pilit sinundan ng tatlong haring ibig magbigay-pugay.

Para sa akin, galing sa kwentong ‘yan ang mga paalala ng Pasko: Ang ligaya na dulot ng mga bata. Ang pansin at diin sa mahihirap. Ang payak na pagdiwang basta kasama ang mga mahal sa buhay. Pagbibigay-buhay ang dakila at tunay na regalo. At pag-ibig bilang sagot sa maraming suliranin — ng sarili, ng pamilya, ng Inang Bayan, ng sanlibutan.

×