Death penalty butata sa Senado

January 25, 2011

Mylene Gregorio
Police Files Tonite
January 25, 2011

Hindi umano makakakuha ng sapat na boto sa Senado ang panukalang parusang bitay na nais ibali ng ilang mambabatas.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, marami umanong senador kasi ang unang tumutol at hindi sang-ayon na ibalik ang parusang bitay o death penalty.

Sinabi pa ng senador, marami umano sa kanyang mga kasamahan sa 15th congress ang bumoto noon para sa pagbasura nito.

Matatandaang si Pangilinan ang pinuno ng Senate committee on justice and human rights nang ibasura noong Hulyo 2006 ang parusang kamatayn o death penalty.

Ayon sa ilang senador sa halip umano na ibalik ang parusang bitay, makabubuting paigtingin na lamang ang pagpapatupad ng batas at ang agarang pagresolba ng mga krimen.

Una nang binuhay ni Senador Ramon Revilla Jr., ang parusang kamatayn dahil sa tumitinding krimen sa bansa kung saan  ay pinaboran naman ito nina Senators Vicente Sotto at Juan Miguel Zubiri.

×