Gobyerno inalerto sa bird flu

November 20, 2010

Boyet Jadulco
Abante
November 20, 2010

Upang hindi maibenta sa pamilihan ang mga manok na dinapuan ng ‘bird flu’, dapat maging matalas ang paningin ng gobyerno laban sa mga tiwaling negosyante na magbebenta ng manok na apektado ng nasabing sakit.

Kung hindi umano masawata ng pulisya ang bentahan ng double dead na karne, hindi malayong maibenta rin sa pamilihan ang mga manok na may bird flu lalo na kung hindi maghihigpit ang gobyerno sa pagbabantay sa mga farm.

“Nananawagan po tayo sa lahat ng sangay ng gob­yerno, pati na sa ating mga kasama sa agrikultura, na maging mapagmatyag laban sa bird flu. Kailangan nating bantayan ang ating mga manukan at i-report ang anumang mga senyales ng bird flu sa ating mga alagang manok at maging sa ating mga mamamayan,” panawagan ni Sen. Francis Pangilinan.

Nitong nagdaang araw ay naitala sa Hong Kong ang unang transmission ng bird flu mula manok patungo sa katawan ng tao kung kaya’t muli na namang naghigpit ang airport authorities sa mga biyahero mula Hong Kong at China.

Kabilang sa sintomas ng sakit na bird flu ay halos katulad din ng regular na sakit na flu gaya ng lagnat, sore throat, ubo, sakit ng ulo at sakit ng kalamnan. Ang kumplikasyon nito ay impeksyon sa mata, pneumonia, acute respiratory disease, brain at heart inflammation.

“We may have been spared, but we must not be complacent. This is a deadly disease and we must do everything that we can to protect our citizens. We can’t count on luck to spare us,” ayon sa chair ng Senate committee on agriculture and food.

“We also ask the cooperation of all our poultry farmers to report incidences of bird flu in your vicinities. This is not to kill your business but to safeguard public safety,” dagdag ni Pangilinan.

View original post on Abante Online