Hold Secretary Locsin to account for unprofessional, disorderly conduct: Kiko

June 25, 2019

Sen. Francis Pangilinan on Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin calling VP names

Hold Secretary Locsin to account for unprofessional, disorderly conduct: Kiko

Bagamat nag sorry na si Secretary Locsin, mariin pa rin nating kinokondena ang kanyanag pambabastos, panlalait, at pang-iinsulto kay VP Leni Robredo sa social media. Ang ganitong klase ng panlalait at pambabastos ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan at lalo na na nanggagaling sa Kalihim ng Department of Foreign Affairs, ang tanggapan na nangunguna sa pandaigdigang ugnayang panlabas ng bansa.

Ang naging kilos ni Secretary Locsin ay labag sa Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Napaka “unprofessional” ng kanyang pang-iinsulto at panlalait at kahit pa humingi na siya ng paumanhin, dapat siyang managot.

Hindi ito dapat magtapos sa isang apology. Dapat itong magsilbing aral sa kanya at iba pang opisyal na walang respeto sa kapwa.

Hindi dapat ganito ang asta ng isang kalihim ng DFA. Nilalagay niya sa pahamak at kahihiyan ang bansa sa kanyang mga kilos at pananalita.

While Secretary Locsin has already said sorry, we strongly condemn his rude, contemptuous, and insulting language for VP Leni Robredo in social media. This kind of insolence and disrespect has no place in a civilized society and especially coming from the Secretary of the Department of Foreign Affairs, the office primarily responsible for the country’s international diplomatic relations.

The behavior of Secretary Locsin violates Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. His insults and impertinence are very unprofessional and notwithstanding his apology, he should be held to account.

This should not end in an apology, this should serve as a lesson to him and other officials who show disrespect for their fellow men and women.

This is not how a DFA secretary should behave. He puts the country at risk and shame with his actions and words.

×