Hostage taking, jueteng binalot ng condom

October 5, 2010

Boyet Jadulco
Abante
October 5, 2010

Kung hindi man sinasadya, natakpan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang isyu ng madugong Manila hostage incident at jueteng payola scandal dahil sa pagkasa niya sa family planning program na inaayawan ng Simbahang Katoliko.

Inamin ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan na sa pagpatol ni Pangulong Aquino sa reproductive health (RH) issue, nawala sa limelight kundi man natabunan ang hostage taking incident at ang jueteng payola scandal.

Ang dalawang isyu ay naging black eye sa unang 100 araw ng administrasyon ni PNoy, ang araw na dapat ay nasa ‘honeymoon’ period pa ang bagong lider ng bansa.

“Maaaring ganu’n ang isang epekto subalit matagal nang isyu at muli lamang binabalikan. Nu’ng eleksyon naging mainit na debate na rin ito,” ani Pangilinan.

View original Abante Online

×