INTERPELLATION OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SENATOR FRANCIS PANGILINAN AT THE SPECIAL JOINT SESSION OF CONGRESS ON THE EXTENSION OF MARTIAL LAW IN MINDANAO

July 22, 2017

SEN PANGILINAN: Kanina po nabanggit ng ating kagalang-galang na kalihim na settled na po ng Supreme Court ang legalidad ng martial law. Totoo po ‘yon. ‘Yung martial law declaration nung March 24. ‘Yung extension, panibagong usapin po itodahil maliwanag, iba na ang sitwasyon ngayon kumpara sa sitwasyon noon kaya po tayo nagkakaroon ng ganitong mga pagpupulong para po alamin kung karapat-dapat ba o hindi, palawakin pa o pahabain pa o i-extend itong deklarasyon na ito.

Nabanggit po kanina na sa report ng ating Pangulo, na isinumite sa Kongreso, sampu na lalawigan sa dalawampu’t pitong lalawigan ng Mindanao ang nabanggit. Ibig sabihin, labingpito na lalawigan sa Mindanao hindi nabanggit doon sa usapin ng problema sa Maute group. So ang tanong po natin, at dagdag po roon, nabanggit ng AFP sa kanilang report, 16 barangays na po ang na-clear in the last 60 days at apat na lang po na barangay ang kinakailangan pang i-clear. Kung sampung lalawigan ang nabanggit, sa 27 llawigan ng Mindanao, ang tanong po, kung ilimita sa sampung lalawigan ang martial law declaration halimbawa, mayroon bang negatibong epekto ito sa kampanya ng Armed Forces para po ma-clear na rin ang apat na barangay na napag-uusapan?

ES MEDIALDEA: It’s more of a military…may we call on [Secretary Lorenzana]

SP PIMENTEL: Defense Secretary Lorenzana is recognized.

SEC LORENZANA: Base sa sinabi ko kanina noon sa previous questionnaire, contiguous po ‘yung Mindanao na ‘yan kaya po namin gusto ‘yung buong mindanao para we will not be hindered by a certain portion of Mindanao lang na martial law para pwede kaming humabol sa kanila kung saan man sila magpunta. ‘Yun po ang kasagutan diyan kung bakit buong Mindanao. Magkakatabi po iyon eh.

SEN PANGILINAN: Kaya po ang katanungan, kung halimbawa, na-clear na ‘yung apat na barangay, na natitira pang mga barangay, kinakailangan pa ba ng martial law?

SEC LORENZANA: Yes sir. Kailangan pa po kasi hindi pa natin naa-address yung mga kaakibat na mga grupo diyan, ‘yung mga inspired groups like the Abu Sayyaf group, ‘yung BIFF Abu Sayyaf group ng Jolo, at saka ‘yung BIFF ng Central Mindanao. Yun po ang dahilan niyan kung bakit gusto pa nating palawakin yung—pahabain yung martial law.

SEN PANGILINAN: So ang deklarasyon ng martial law ay hindi lamang sa problema sa Marawi?

SEC LORENZANA: Opo, ‘yun po ang k’wan niyan kasi—

SEN PANGILINAN: —Na mayroon aktwal na rebellion, ang sinasabi po natin dito, ang aktwal na rebellion ay nagaganap sa mas malawak na lugar kaya po kinakailangan itong martial law sa buong Mindanao?

SEC LORENZANA: Maari pong hindi lahat ng rebellion ang nangyayari sa buong Mindanao pero ang dami po mga armado na galing saa BIFF na pumunta sa Marawi.

SEN PANGILINAN: So kung halimbawa po, Ginoong Secretary, wala na hong bakbakan, cleared na ‘yung apat na barangay, hindi na ho nagkakaroon ng sagupaan ang military at ang mga rebelde, kailangan pa rin ng martial law?

SEC LORENZANA: Kailangan pa rin po kasi gusto na naming masugpo lahat ‘yung mga armado diyan sa Mindanao.

SEN PANGILINAN: Wala nga hong aktwal na bakbakan, kinakailangan pa rin ng martial law? Kaya ang sinasabi po ng ating Korte Suprema, there has to be an actual rebellion, so ‘yun po ang concern po natin. Kung wala na pong bakbakan, kung wala na pong sagupaan, eh kung wala na po, kinakailangan pa rin ba ng martial law?

SEC LORENZANA: Kailangan pa po dahil gaya ng sinabi ko kanina, kinakailangan masugpo ang Abu Sayyaf sa Basilan at sa Jolo at saka yung BIFF ng Central Mindanao. Kasi po, huwag natin silang pabayaang lumakas ulit at saka gagalaw, malaki po ang kaguluhang magagawa.

SEN PANGILINAN: Gusto lang poo nating ipaliwanag na kung sinabi ng ating saligang batas, ng korte Suprema at ang ating mga sumulat ng ating saligang batas, kinakailangan po there is an actual rebellion and not necessarily na mayroong pangamba or threat. This is just for the record, Ginoong Secretary.

Ang pangalawang katanungan, apat na barangay na lamang po ang kailangang i-clear, 16 na barangay ang na-clrear in the last 60 days, pero dito sa apat, kinakailangan po ng 150 days, if we limit to 60 days halimbawa ang martial law declaration sa halip na 150 days, will this render the Armed Forces of the Philippines incapable or ineffective in dealing with the rebellion?

SEC LORENZANA: Hindi naman po siguro, pero we need just some leeway to finish our job within that period given.

SEN PANGILINAN: Maraming salamat for your candor na hindi naman, not necessarily so, ika nga.

Tungkol po sa nabanggit ng ating kalihim, Executive Secretary, nabanggit po ang Bohol dahil nagkaroon po ng sagupaan diyan po sa Bohol. Mayroon na bang plano na magdeklara ng martial law sa Visayas?

SEC LORENZANA: Wala po.

SEN PANGILINAN: Nabanggit din po kanina na kasama doon sa AFP operational directive is to dismantle the NPA. Tama po ba iyon?

SEC LORENZANA: Sa una pong ano—sa una pong martial law, di po kasama ang NPA. Pero kasama po sa function namin whether martial law or not, ay i-address namin ang problema na binibigay ng NPA.

SEN PANGILINAN: Ang concern ho natin dito, ang NPA po ay kumikilos sa Luzon, Visayas at Mindanao, kung ito ho ba ay magiging operational directive ay ibig sabihin ay darating ang panahon na pwede rin magdeklara ng martial law sa Luzon?

SEC LORENZANA: Hindi po mangyayari yan, Ginoong Senator, kasi sinasabi po natin iyan dahil sa Mindanao lang naman po yung martial law, eh kaakibat nay an sa trabaho namin na security operations.

SP Pimentel: Can Senator Pangilinan proceed to his last question?

SEN PANGILINAN: Maraming salamat po sa inyong mga sagot, Secretary, last question kami naman po ay naniniwala na ang boto namin ay iilan lamang at maipapasa rin itong resolusyon na ito na pinapayagang magkaroon ng extension. Huling katanungan sa ating secretary, kung ito ay naipasa, maari bang sa resolusyon na ito, kung isasama ang isang probisyon o minamandato ang Armed Forces of the Philippines, ang Commission of Human Rights, in coordination with human rights organizations sa Mindanao ay weekly magsa-submit ng human rights situationer para po mababantayan po natin na hindi po aabusuhin ang kapangyarihan ng martial law dito po sa nasasakupang lugar.

SEC LORENZANA: Opo. Tanggap ponamin yan. We welcome the participation of the human rights commission. We also like that so that when the human rights is always there then our people will be more encouraged to behave properly.

SEN PANGILINAN: Maraming salamat po.