Isang senador, inilaan ang bahagi ng pork barrel para sa biktima ni ‘Juan’

October 19, 2010

Bombo Radyo
October 19, 2010

Hinimok din ni Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang mga kasamahang mambabatas na maglaan din ng tulong para sa mga sinalanta ng bagyo sa hilagang Luzon.

Ang panghihimok ni Pangilinan ay kasunod ito ng kanyang paglaan ng P10 million mula sa pork barrel nito upang itulong sa mga malubhang sinalanta ng kalamidad lalo na sa mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Bagamat nilinaw ng senador na pasiunang lunas lamang ang pagpapalabas nito ng kanyang pork barrel para sa mga biktima ni Juan kung saan ang kailangan umano dito ay ang pangmatagalang solusyon ng pamahalaan para sa rehabilitasyon sa mga sinalantang lugar.

Para naman kay Sen. Ralph Recto, dapat umanong ipamudmod na ng National Food Authority (NFA) nakaimbak nitong bigas para sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal upang matukoy kung sino ang talagang nangangailangan ng tulong.

Sinabi naman ni Sen. Bong Revilla kailangan mahigpit na ipatupad ng Deparment of Agriculture (DA) ang Agri-Agra Reform Credit Act na pinagtibay ng Kongreso noong Pebrero upang mabigyan ng pautang ang magsasaka at mangingisda na sinalanta ng bagyong Juan.

View original post on Bombo Radyo.com

×