KIKO ON DIZON

Gusto ko pong sabihing “Good luck, Sec Dizon.” Pero hindi lang swerte ang kailangan niyo. 

Nakita na namin na hands-on kayo dun sa mobility issue sa Metro Manila. Nilakad niyo ang EDSA. Nakita niyong walang sidewalk. Naranasan niyong mapinahan ng mga humaharurot na sasakyan. Meron na kayong empathy para sa ultimate audience—sa ‘ika nga ni PNoy ay ultimate boss nating lahat na lingkod-bayan—ang mamamayang Pilipino. 

Mukhang may systems approach din kayo sa problema sa government service, na maa-apply niyo sa public works and highways. 

Sa pag-upo niyo bilang sekretaryo ng DPWH, we wish you more persistence, consistency, at political will. Dyan po, kasangga niyo kami. Handa kaming tumulong.