LEGIT SENATE STATEMENT RE APC BOGUS ‘HEARING’

As life is harder now, the Filipino people deserve senators who show up for work, not for drama.

The Senate’s mandate is to uphold the Constitution, check abuses, and pass laws for the people’s welfare. We urge our colleagues to abandon this bogus “hearing,” respect the rules, the quorum, and the duly constituted leadership of the Senate.

They have refused to attend legitimately called sessions. Now, they are grandstanding in an unofficial and unauthorized gathering.

What an insult to the institution and to the Filipino people who pay for every minute of this circus with their hard-earned taxes.

Even worse, they are reportedly threatening Senate employees with cases if they are not obeyed. These are civil servants who are simply trying to do their jobs in accordance with the law and the duly constituted leadership of the Senate.

As pointed out by Acting Senate President Sherwin Gatchalian earlier today, there are no official Senate hearings scheduled for this morning, and that any so‑called “hearing” convened by Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Robin Padilla, Imee Marcos, and Rodante Marcoleta has no basis in the rules, calendar, or authority of the Senate.

What we are seeing is a naked grab for power dressed up as “inquiry” and “oversight.” It is nothing more than a self-serving spectacle meant to cling to positions they have already lost in a valid and constitutional reorganization of the Senate.

Instead of participating in regular sessions, working on laws that lower prices, create jobs, and protect farmers, workers, and vulnerable families, they have chosen to waste public funds and public time to advance their own political agenda.

Hindi dasurb ng taumbayan ang ginagawa niyo. Ang dasurb ng nagpapasweldo sa atin, #TrabahoHindiDrama.

##

Lalo na’t napakahirap ng buhay ngayon, dasurb ng mga Pilipino ang mga senador na nagtatrabaho para sa bayan, hindi ‘yung nagda-drama.

Mandato ng Senado ang ipagtanggol ang Konstitusyon, bantayan ang anumang pang-aabuso, at gumawa ng mga batas na makatutulong sa mamamayan. Kaya naman nananawagan kami sa aming mga kasamahan na tigilan na ang pekeng “hearing” na ito at igalang ang mga patakaran, ang quorum, at ang lehitimong pamunuan ng Senado.

Tumanggi silang dumalo sa mga sesyong ligal at maayos na ipinatawag. Ngayon naman, nagtitipon sila sa isang hindi opisyal at hindi awtorisadong pagtitipon para mag-ingay at manggulo.

Isa itong malaking insulto hindi lamang sa Senado kundi sa bawat Pilipinong nagbabayad ng buwis. Bawat minutong ginugugol sa palabas na ito, binabayaran ng taumbayan mula sa kanilang pinaghirapang kita.

Mas nakababahala pa rito ang mga ulat na tinatakot umano nila ang mga empleyado ng Senado at pinagbabantaan ng mga kaso kapag hindi sila sinunod. Lingkod-bayan lamang ang mga kawani ng Senado na ginagawa ang kanilang trabaho alinsunod sa batas at sa kinikilalang pamunuan ng institusyon.

Gaya ng binigyang-diin ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian kaninang umaga, walang nakaiskedyul na opisyal na pagdinig ng Senado ngayon. Walang batayan sa mga tuntunin, kalendaryo, at awtoridad ng Senado ang anumang tinatawag na “hearing” na ipinatawag nina Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Robin Padilla, Imee Marcos, at Rodante Marcoleta.

Ang nakikita natin ngayon ay isang lantad na pag-agaw sa kapangyarihan na binibihisan lamang ng mga salitang “imbestigasyon” at “oversight.” Isa itong pansariling palabas ng mga taong pilit kumakapit sa mga posisyong nawala na sa kanila matapos ang isang balido at konstitusyonal na reorganisasyon ng Senado.

Sa halip na dumalo sa mga sesyon at magtrabaho para sa mga batas na magpapababa ng presyo ng bilihin, lilikha ng trabaho, at magbibigay-proteksiyon sa mga magsasaka, manggagawa, at mahihirap na pamilya, mas pinili nilang sayangin ang oras at pera ng bayan para sa sarili nilang agenda sa pulitika.

Hindi dasurb ng taumbayan ang ginagawa niyo. Ang dasurb ng nagpapasweldo sa atin, #TrabahoHindiDrama.