The warning by the government of China that Philippine officials must “stop or pay the price” is a reckless escalation that directly threatens the Filipino people.
No state has the authority to threaten officials of another sovereign country for speaking publicly about verified developments within their own maritime domain. Statements made by Philippine personnel regarding incidents in the West Philippine Sea are grounded in documented events, conveyed in the exercise of official duty, and consistent with international law, including the binding 2016 Arbitral Award.
Labeling transparency as “provocation” is a cynical attempt to fool the international community. Truth-telling does not escalate tensions; China’s illegal incursions, aggressive maneuvers, and open threats do.
We call on the DFA to take the necessary diplomatic steps, considering that the issue concerns threats of a foreign embassy on specific government officials. The DFA must lead in defending Filipino citizens and officials who merely assert their rights and perform their duties openly and responsibly in their own country.
Our country should be our safe space. We should not be intimidated, threatened, and targeted in our own home by a guest that uses its privileged diplomatic status as its platform to attack us.
The use of coercive language against a smaller state erodes the norms that underpin regional stability. It signals a willingness to replace dialogue with pressure, and law with leverage. These developments affect not only the Philippines, but all states with an interest in a rules-based international order.
We affirm our support for Philippine civilian and uniformed personnel who continue to carry out their responsibilities with restraint, professionalism, and fidelity to facts. We likewise affirm that the peaceful resolution of disputes requires respect for international law and proper diplomatic channels—not warnings designed to deter lawful speech.
The Philippines will continue to assert its rights openly and responsibly. The preservation of peace in the region depends on it. ##
FILIPINO VERSION:
BINABATIKOS NG PARTIDO LIBERAL, AKBAYAN PARTY, MAMAMAYANG LIBERAL (ML) PARTYLIST ANG BANTA NG TSINA SA MGA OPISYAL NG PILIPINAS
Pinalalala ng gobyernong Tsina ang sitwasyon dahil direktang banta sa mamamayang Pilipino ang babala nito sa mga opisyal ng Pilipinas na “tumigil o pagbabayaran niyo (stop or pay the price).”
Walang estado ang may awtoridad na magbanta sa mga opisyal ng ibang soberanong bansa para sa pagpapahayag tungkol sa mga beripikadong pangyayari sa loob ng sariling nasasakupang dagat. May batayan ang mga pahayag na ginawa ng mga opisyal ng Pilipinas tungkol sa mga insidente sa West Philippine Sea: mga dokumentadong pangyayari, na bahagi ng opisyal na tungkulin, at naaayon sa pandaigdigang batas, kabilang ang umiiral na 2016 Arbitral Award.
Ang pagtawag na “probokasyon” sa pagiging bukás ay isang mapangutyang pagtatatangka na lokohin ang internasyonal na komunidad. Hindi nakakapagpataas ng tensiyon ang pagsasabi ng totoo; ang mga iligal na pagsalakay ng Tsina, ang mga agresibong maniobra, at mga lantarang pagbabanta ang ganoon.
Nananawagan tayo sa DFA na gawin ang mga kinakailangang hakbang-diplomatiko, habang isinasaalang-alang na may banta ang isang dayuhang embahada sa mga partikular na opisyal ng gobyerno. Dapat manguna ang DFA sa pagtatanggol sa mga Pilipinong mamamayan at opisyal na iginigiit lamang ang kanilang mga karapatan, at hayagan at responsableng gumaganap ng kanilang mga tungkulin sa kanilang sariling bansa.
Ang Pilipinas ay dapat ligtas na lugar para sa mga Pilipino. Hindi tayo dapat tinatakot, binabalaan, at pinupuntirya sa sarili nating tahanan ng isang panauhin na gumagamit ng pribilehiyong diplomatiko para salakayin tayo.
Sumisira sa mga pamantayan na nagpapatibay sa katatagan ng rehiyon ang paggamit ng mapaniil na salita laban sa isang bansa. Nagpapahiwatig ito ng pagpayag na palitan ang diyalogo ng pamumuwersa, at batas ng pambabraso. Apektado rito hindi lamang ang Pilipinas, kundi pati lahat ng estado na may interes sa isang internasyonal na kaayusan na nakabatay sa mga patakaran.
Pinagtitibay namin ang aming suporta para sa mga sibilyan at unipormadong tauhan ng Pilipinas na patuloy na gumaganap ng kanilang mga tungkulin nang may pagpipigil, propesyonalismo, at katapatan sa katotohanan. Pinagtitibay rin namin na ang mapayapang paglutas ng mga hindi-pagkakaunawaan ay nangangailangan ng paggalang sa batas-internasyonal at wastong daluyang-diplomatiko — hindi mga babala na dinisenyo upang hadlangan ang ligal na pamamahayag.
Hayagan at responsableng igigiit ng Pilipinas ang kanyang mga karapatan. Nakasalalay dito ang pangangalaga ng kapayapaan sa rehiyon.
Contact:
Hermund Rosales – Liberal Party – 09176246864
James Balbuena – Akbayan Party – 09765760870