Mensahe ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, pangulo ng Partido Liberal, sa Araw ng Paggawa

May 1, 2018

Alam niyo ba? Wala tayong weekend, overtime pay, 8-hour workday, minimum wage, paid vacation, sick days, safety standards, child labor laws, health benefits, retirement security, unemployment insurance kung walang labor movement? Kung hindi ipinaglaban ng mga manggagawa ang mga benefits na tinatamasa nating lahat ngayon?

Kaya sa Araw ng Paggawa, ipagdiwang natin ang mga tagumpay na ito — mga tagumpay na hindi naging madaling makamit, na hanggang ngayon ay ipinaglalaban pa rin.

Ngayong Araw ng Paggawa, nakikiisa tayo sa mga manggagawang nakikibaka pa rin para sa karapatan sa security of tenure, para wakasan na ang contractualization, lalung-lalo na sa mga government employees.

Sa Senado, nag-file tayo noong June 2016 ng Senate Bill No. 59, o ang Civil Service Eligibility Bill na naglalayong bigyan ng civil service eligibility ang mga kawani ng gobyerno na nakapanglingkod na ng tuloy-tuloy na limang taon bilang casual o contractual.

Ginagarantya ng ating Saligang Batas ang karapatan ng bawat manggagawa, nasa pribado man o sa gobyerno, ang security of tenure. Para sa tinatayang 1.4 milyong public servants na casual o contractual, end endo!