Message of condolences of Sen. Francis Pangilinan on the passing of National Artist Bobby Mañosa

Nakikiramay ako sa mga naiwan ng Pambansang Alagad ng Sining na si Bobby Mañosa.

Ang kanyang henyo ang nagbigay sa atin ng EDSA Shrine, LRT1 stations, Coconut Palace, at iba pang makabagong disensyo ng bahay kubo — mga obrang nagpakita ng kanyang lubos na pagmamahal sa Pilipinas, sa mga katutubong materyales na nagbibigay-buhay sa kultura natin.

Itinuro niya na ang Filipino architecture ay may kakaibang lohika at ganda.

Salamat Bobby Mañosa sa iyong inspirasyon at pamana ng pagmamahal sa bayan.