MESSAGE OF SEN. KIKO PANGILINAN ON URGENT, PRIORITY BILLS

“It’s a welcome move on the part of the President na unahin ang apat na panukalang-batas, pero palagay ko mas aani ng maraming suporta sa mga kababayan natin kapag sinertify niya na urgent ‘yung apat; sapul na sapul sa puso ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan. 

Babaklasin ng mga ito ang mga dinastiyang pulitikal, lilinisin ang sistema ng party-list, bubuksan ang paggamit ng pera ng gobyerno sa pagsisiyasat ng publiko, at gagawa ng isang malayang mekanismo para imbistigahan ang katiwalian. Kung seryoso tayo na ibalik muli ang tiwala sa ating mga institusyon, itong mga batas na ito ang dapat inuuna, hindi ipinagpapaliban. 

Ipakita natin na handa na ang gobyernong tistisin (surgery) ang nakabaong kanser ng katiwalian, hindi ng mga pangako, kundi ng mga batas na matalas ang ngipin. Ipamasko na natin itong political will sa ating mga kababayang humihingi ng katarungan, pananagutan, at tapat at totoong paglilingkod sa bayan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito.”