MINORITY SENATORS STATEMENT ON SC DECISION ON SEN DE LIMA CASE SENATORS AQUINO, DRILON, HONTIVEROS, PANGILINAN, TRILLANES

Naniniwala kami na Ombudsman ang may jurisdiction sa kasong ito ni Sen. Leila De Lima. Hindi kami sang-ayon pero nirerespeto namin ang desisyon ng Supreme Court. Umaasa kaming itatama ng ating mga mahistrado ang hindi makatuwirang pagpapakulong kay Senator De Lima.

Maliwanag ang Saligang-Batas: Buhay, kalayaan, at ari-arian ang mga batayang karapatan natin bilang Pilipino, kaya mataas ang mga pamantayan bago ito bawiin ng estado.

Chairperson pa siya ng Commission on Human Rights, ipinaglalaban na ni Sen. De Lima ang katarungan para sa mga biktima ng extra-judicial killings sa Davao City. Ito — at ang pagpapatuloy ng kanyang krusada para sa mga ninakawan ng buhay nang hindi dumadaan sa mga itinakdang paraan — ang dahilan kung bakit siya ngayon inuusig ng estado.

Nakakabahala na siya pang nagtatanggol ng karapatan ng iba, ng mahihirap, ng walang kapangyarihan ay ngayo’y paksa ng pagsupil.

Nakakabahala na siya pang ginagamit ang batas para isulong ang katarungan ang nagiging biktima ng mali o abusadong pagpapatupad nito.

Nakakabahala, pero nagtitiwala pa rin tayo sa batas, sa katarungan, at sa talino ng mga tagapagtaguyod ng ating mga karapatang mabuhay nang may kalayaan — tayo mismo.