Napakagandang cover ng “Maging Sino Ka Man.” Maraming salamat po.

Hindi naging hadlang sa mag-asawang bulag na Julius at Marivic ang kanilang kapansanan upang itaguyod ang kanilang walong anak.
Singer at frontliner sa Sangguniang Panlungsod ng Mabalacat si Julius habang masahista naman si Marivic kung kaya’t nawalan ng pagkakakitaan ang dalawa nang nagka pandemya. Ngunit sa kabila ng lahat ay hindi sila nawalan ng pag-asa, bagkus ay naghanap sila ng paraan upang maitaguyod ang pamilya.

Kahit hirap ay nananatili ang positibong pananaw ng mag-asawa sa buhay at naniniwala sila na lahat ay kaya nilang lagpasan basta’t sila ay sama-sama. Ika nga nila, “laban lang.”

Saludo po kami sa mag-asawang Julius at Marivic sa kanilang inspiring story. Tunay nga namang nakakataba ng puso ang mga ganitong klase ng istorya.

Maraming salamat din sa napakagandang awitin, Julius. Isa sa mga best rendition ng “Maging Sino Ka Man”. 🙂