NATIONAL PRESS FREEDOM DAY

August 30, 2025

Today, we commemorate the birth anniversary of Marcelo H. del Pilar, “Plaridel,” whose courage and words lit the path toward freedom for our people.

National Press Freedom Day is not only a tribute to history, but also a reminder of our duty to defend the truth in the present. Filipino journalists continue to work under challenging conditions—facing harassment, threats, and disinformation—yet they persist in their calling to inform, enlighten, and empower the public.

A free press is not merely a privilege; it is a pillar of democracy. It is the safeguard that ensures power is accountable, that every Filipino has access to facts, and that no voice is silenced.

We honor and thank the members of the Philippine media who carry this responsibility with courage and integrity. We reaffirm our commitment to protect their safety, their work, and the freedom they represent.

For as long as the press is free, the Filipino people remain free—and our democracy remains strong.

ARAW NG KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

Agosto 30, 2025

Ngayon, ginugunita natin ang kaarawan ni Marcelo H. del Pilar, “Plaridel,” na ang tapang at panulat ang nagbigay-liwanag sa landas tungo sa kalayaan ng ating bayan.

Ang Araw ng Kalayaan sa Pamamahayag ay hindi lamang paggunita sa kasaysayan, kundi paalala rin ng ating tungkulin na ipaglaban ang katotohanan sa kasalukuyan. Sa kabila ng mga banta, paninira, at maling impormasyon, patuloy na nagsisilbi ang mga mamamahayag na ilawan ang bayan—naglilingkod nang may tapang at integridad.

Ang malayang pamamahayag ay hindi pribilehiyo, kundi haligi ng demokrasya. Ito ang nagtitiyak na ang kapangyarihan ay mananagot, ang katotohanan ay maaabot ng lahat, at walang tinig ang mapapatahimik.

Ipinapaabot natin ang pinakamataas na pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng kasapi ng media na patuloy na nagsusulong ng katotohanan at hustisya para sa sambayanan. Patitibayin natin ang ating pangako na ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalayaan, at tungkulin.

Hangga’t malaya ang pamamahayag, malaya ang sambayanang Pilipino—at mananatiling matatag ang ating demokrasya.