On firing of Faeldon

Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan
On firing of Faeldon

Panalo ito di lang ng mga magulang nina Eileen at Allan, panalo ito ng taumbayang uhaw sa katarungan, panalo ito ng taumbayang handang ipaglaban ang tama.

Kung hindi nagpakita ng galit ang taumbayan, malamang nakalaya na si Sanchez at marami pang iba. Patunay ito na makapangyarihan ang taumbayang tumataya at naninindigan para sa katarungan.

At huwag lang ilipat si Faeldon sa iba pang ahensya. Kasuhan siya ng perjury sa kanyang pagsisinungaling sa Senado at possible violation of Section 3e of the Anti-Graft and -Corrupt Practices Act (RA 3019) para sa pagpapalaya ng mga presong di-karapat-dapat.

Dapat magsilbing aral ito sa Administrasyon na kapag tinanggal ang nasasangkot sa anomalya, kinakasuhan ito at hindi nililipat sa ibang ahensya para magkalat ulit ng kapalpakan.