Buy local PPEs and help make jobs for Filipinos: Pangilinan
“Sa banner story ng Inquirer ngayon, mukhang ginagamit pa ng mga halang ang bituka ang DBM Procurement Service para nakawin rin ang bilyon-bilyong pera ng taumbayan na nakalaan para sa PPEs.
Tulad ng nangyari sa high-quality and cheaper Filipino-made testing kits, sinabi ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) na mas pinapaboran ang mga imported na PPE. Pinapaboran bagamat walang test ang pinapataw sa mga ito at bagamat sobrang daming test para sa mga Filipino-made PPEs. Pasado sa lahat ng test na nagpapatunay na ligtas ang mga PPE na gawa sa Pilipinas.
Bumili ng Filipino-made PPEs at siguruhin ang kaligtasan ng mga health workers na gumagamit ng imported at substandard PPEs. Bumili ng Filipino-made PPEs at suportahan ang mahigit sa 7,000 manggagawa ng CPMP at ang karagdagang 4,000 magkakatrabaho pa dahil dito.
Sa katunayan, inihain namin ang Senate Bill 1759 upang suportahan ang lokal na produksyon ng PPE at ibang medikal na gamit sa pamamagitan ng tax exemptions. Pero kulang ito kung prayoridad ng gobyerno ang pag-import ng mga PPE sa ibang bansa.
Hindi natin maiwasang itanong ulit: Sino ang kumikita sa imported at overpriced na PPEs?
Sa gitna ng pandemya, kailangan nating tutukan na huwag nang madagdagan ang libo-libong buhay at milyon-milyong hanapbuhay na nawala.
We call on the Cabinet Economic Cluster to push for the purchase of local PPEs and other COVID-related medical supplies and equipment. Our country needs this government fund-independent stimulus to our economy.