On media questions re cut of government hospitals’ budgets for 2022:

“Kaisa ako sa mga doktor, nars, medical technicians, at iba pang health-care workers sa kanilang hinaing tungkol sa 2022 budget.

Sa mga pagsusuri na nakita natin, ang mga budget cuts ng mga government hospital, mga ospital na pinupuntahan ng marami nating kababayan, PCMC (para sa mga batang may sakit), binawasan ng P823 million; PGH, P130 million; Lung Center, P100 million; Heart Center, P28 million; NKTI, P8 million. Diyan pa lang sa mga ospital na yan, mahigit P1 billion ang binawas. Bakit? Lalo pa’t pandemya? At bakit itong mga pagamutang ito ang sumasalo ng bulto ng mga nagkakasakit sa Covid?

Nasa pandemya tayo. Mag-iisang buwan na rin tayong nasa mga 20,000 ang new cases at nasa 150 pataas ang namamatay araw-araw dahil sa Covid.

Pipilitin nating maibalik sa dati o taasan ang budget ng mga public hospitals. Hahanapan natin ng pondo.

Kunin natin sa mga overpriced na medical supplies na kitang-kita sa mga hearing ng Senate Blue Ribbon Committee. Gamutin ang Covid, pati ang pagkaganid.”


Share