“Day One of the GCQ in Metro Manila gave us scenes of chaos in the streets as people waited for hours to get a bus ride or to get on the trains. Marami ang napilitang maglakad nang ilang kilometro sa ilalim ng araw o ulan makarating lang sa pinagtatrabahuhan.
The shift to the eased quarantine should have been complemented with adequate means of transportation to ferry the people to their destination. Marami sa kanila sabik na sabik na makabalik sa trabaho para may ipakain sa kanilang pamilya matapos ang higit dalawang buwang lockdown.
It is the height of insensitivity for the government to let the commuters fend for themselves on how to get to work. Kahit paano tignan, sa bilyon-bilyon na ginagasta ng gobyerno, hindi ito tama.
‘Yung new normal dapat better normal, lalong-lalo na sa mga commuter, sa mga walang sariling sasakyan, sa mga nakaasa sa mga padyak, tricycle, jeep, bus, at tren. Yung new normal, hindi dapat ‘yung mas malala pa dun sa iniwan. Buti pa ang mga POGO workers, may pa-transport papunta at pabalik sa kanilang pinapasukan at tinutuluyan.
Hindi na dapat hintayin pa ng mga transportation official ang tinatawag na modified GCQ sa June 21. Kailangang kumilos ngayon din. Maglaan ng mas maraming public utility vehicles para mabigyan ang mga tao ng ligtas na masasakyan. Dapat payagan ang mas maraming ruta ng PUV upang mabawasan ang pasanin ng mga tao na kinailangan pang maglakad mula sa kanilang tahanan marating lang ang mga pangunahing lansangan.
It is perilous enough for many of our workers to brave the streets amid the COVID-19 pandemic, let’s not exacerbate their sufferings by not providing them the means to reach their destination.”
Mapanganib na nga para sa karamihan sa mga manggagawa na suungin ang mga lansangan sa gitna pandemya, huwag na nating palalain pa ang kanilang pagdurusa. Maglaan ng mga paraan para marating nila ang kanilang patutunguhan.”
[/tab] [/tabgroup]