Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan
On the Tarlac shooting:
Nakakagalit ang pangyayari. Yan ang resulta kapag kinukunsinti o hindi pinaparusahan ang mga pulis na abusado at tiwali. Hihintayin natin ang pagkondena ng Administrasyon sa pangyayari at sisiguruhing mapaparusahan sa halip na kunsintihin o i-promote pa ang mga tiwali at abusadong pulis.
Dahil walang parusa sa kapulisan o mga matataas na opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian o kaya inaabuso ang pwesto, tuloy-tuloy ang pang-aabuso ng mga ito.
Dagdag pa rito ang nangingibabaw na kultura ng dahas at patayan dahil sa pag-uudyok sa kapulisan na huwag matakot na pumatay.
Mariin nating kinokondena ang pangyayari. Nakikiramay tayo sa mga inulila.