ON THIS DAY LAST YEAR: NATATANDAAN NIYO PA BA?

Natatandaan niyo pa ba ang unang araw na gumising tayo sa isang umagang bigla na lang nabalot ng katahimikan ang mundo? Isang kakaiba at nakakabinging katahimikan.

Maririnig ang mabibigat na hakbang papalayo sa ating mga minamahal. Mga hikbi mula sa pagluha, at mga daing na sana ay matapos na ang pagsubok na ito.

Pero sa kabila ng lahat ng hamon na ating kinakaharap, naniniwala pa rin tayo na darating din ang isang umaga na gigising muli tayo sa isang magandang bukas.

Kaya nating lagpasan ang lahat. Kukuha tayo ng tapang at lakas mula sa isa’t-isa upang harapin at malagpasan ang ating mga pagsubok. Kapit lang.

#LockdownAnniversary