OPENING STATEMENT OF SEN KIKO PANGILINAN – SENATE HEARING ON DISINFORMATION (12 JAN 2021)

January 12, 2022

OPENING STATEMENT

SEN. FRANCIS ‘KIKO’ PANGILINAN

DISINFORMATION SENATE HEARING 3

12 JANUARY 2022

Sa kasagsagan ng Covid nitong nakaraang araw, may surge din ng disinformation na kumakalat. May mga sumisira o sinisiraan ang ilang mga programa ng mga volunteer health workers na kumakausap at nagbibigay ng konsultasyon para makahanap o makapagbigay ng medical advice sa ating mga kababayan na natatakot pumunta sa ospital o kaya’y nahihirapan dahil sa ilang mga karamdamam.

Meron ding nagkakalat ng mga meme na pang-gather lang daw ng personal na impormasyon ng mga botante itong tulong na ito.

Meron ding ganyang nangyaring disinformation sa relief operations mismo sa Siargao dahil sa Bagyong Odette. Mga nagpapakalat na hindi raw binibigyan ng mga relief goods.

Noong mga araw na yun, karamihan po ng mga tao sa Siargao ay apektado, pati po ang mga taong gobyerno. At ang konting mga public servants na nakatutok sa pag-rerepack ng mga natatanggap na relief goods ay nabahala pa nang may nagkalat at nambubuyo sa ating mga kababayan na sugurin daw at i-loot yung repacking area.

Hindi ito katanggap-tanggap.  Walang puso ang nagpapakalat ng pekeng balita habang may krisis. This is wrong.

Ganito kasama ang kasinungalingan. Apektado ang kalusugan at kaligtasan nating lahat, ang kaban ng bayan, at ang kaayusan ng ating lipunan. Masama na nga ang sitwasyon, sinasamantala pa ang pagka-desperado ng ating mga kababayan sa mga pakalat ng mga paninira.

This is our third hearing on disinformation. The goal of the hearing is to expose the disinformation ecosystem and find solutions. Whether executive, legislative or a combination of both as well as private sector participation.

Sa unang hearing, sinabi ni Ellen Tordesillas ng Vera Files na ang gobyerno ang isa sa pinakamalaking source ng nagpapakalat ng disinformation. Totoo po yan sa ating kaso mismo na ilang linggo nang sinisisi sa ilang mga nangyayari sa ating bansa.

Noong ikalawang hearing, sinabi naman ni Dr. Jonathan Ong ng University of Massachusetts, AMHEARST na fake names work both ways.

Sa Me-Too Movement halimbawa at Black Lives Matter movement sa US, marami ang namobilisa dahil sa mga whistleblowers na may pseudonym. Parang si Laong-Laan o kaya Dimasalang o kaya si Plaridel noong panahon ni Doctor Jose Rizal.

Ngayong third hearing, kasama natin si Maria Ressa. Ang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng Nobel Peace Prize ay isa sa pinaka-trolled na tao sa ating bansa. Malalaman natin sa kanya ang sagot sa ilang tanong tungkol sa ecosystem ng disinformation: Sino ang mga players? Bukod sa mga platform owners, sino pa ang mga nakikinabang dito? Ano ang relasyon ng mga players sa isa’t isa? Paano sila pwedeng i-regulate lalo na kung ang gobyerno na magpapatupad ng batas ang pasimuno ng kasinungalingan?

Sa mga taga-Facebook at Google at sa mga advertising professionals: Ilan ang fake accounts? Ilan ang gumagawa ng fake content? Ano ang ginawa ng Facebook halimbawa sa Twinmark noong 2019 [panahon] ng eleksyon? Ang impormasyon ay dalawang daang mga account ng Twinmark ang tinanggal o kaya sinuspinde o kaya ay diniactivate. Ano ang ginagawa nito ngayon sa paparating na eleksyon? Dumadami ba ulit ang merong inauthentic behavior? Ano ang mga bagong paraan ng pagpakalat nila ng fake news? Paano ito sinasagot ng Meta o Facebook at ng Google?

Gusto rin nating malaman: How much harm has this “infodemic” caused? If that has not been quantified, who can measure the cost to our mental health both as individuals and as a community and society? Where are the items should be placed ika’ nga on that tab?

Kailangan malaman ang mga yan para malaman din natin kung sino ang mananagot at sisingilin, at kung paano ang penalty na ilalagay sa gagawin nating mga batas o kaya paano pa sa pribadong sektor, paano pa papalakasin ang self-regularization.

Various sites and apps have transformed the way we understand and experience crime and victimization. Merong mga nabibiktima ng krimeng di pa ganoon kalinaw o criminal na di pa natutukoy.

Ano ang pinapatay ng “infodemic” na ito? Ang katotohanan. At pag patay na ang katotohanan, paano pa nating malalaman kung ano totoo sa hindi totoo. Sa kasinungalingan sa katotohanan? Paano tayo magpapasya nang maayos kung kasinungalingan ang basehan ng ating pagpapasya?

Sabi nga nila, while we were not looking, we the people are slowly being cancelled, ito ay Generation Z language.

Ipagpapatuloy po natin pag-usapan hindi lang ang kultura ng kabastusan, masamang ugali, pagsisinungaling at mala-demonyong kilos at salita ng ilang mga tao sa internet. Mga kilos at salitang ang layo sa pagiging Pilipino. Mga kilos at salita na hindi tinuturo sa atin noong tayo pa ay mga estudyante mula elementary at high school. Mga kilos at salitang ayaw natin gayahin at gayahin ng ating mga anak.

“Infodemic” threatens the very fiber of our decency as a people. The situation has gone so very bad that even the traditionally quiet community of 18 business groups issued a statement against disinformation and hate speech, warning against “lies, personal attacks, trolling, misogyny, ‘red-tagging’…[that] sometimes [put] people at risk of physical harm.”

Nababahala ang grupong ito na lalala pa ang infodemic sa darating na halalan, at papatay sa tiwala at pagkakaisa na kailangan natin para makabangon sa hagupit ng pandemya.

‘Ika nga ng 18 business groups and I quote: “We watch with alarm how this abuse has spiked during this election season. We fear the damage may be long-lasting.”

Aaminin ko, ako mismo hindi techie. Tulad ng maraming gumagamit ng Internet at social media, maliit na bahagi lang ng virtual universe ang naiintindihan ko.

Dahil ito ay isang hearing in aid of legislation, nais natin malaman kung paano masugpo itong “infodemic” sa pamamagitan ng batas.

We must have laws that are up-to-date, responsive to the needs of the times, foolproof as best at it can be against the ingenious minds of criminals ika’ nga.

Marami pang kailangan alamin. Granted that the issue of propaganda to sow erroneous belief, confusion, and division is as old as society. But we are on new territory. To borrow the term from one of the experts in the field. “Today, with digital technology unlike before unprecedented scale, speed and scope ang kayang abutin ng digital technology.”

We have to craft new laws or legislation cognizant of the new complications that technology poses.

Sama-sama po nating iilawan ang madilim na mundo ng “infodemic”.  As we grapple for sharper weapons to defeat the night, we shall remember that our torches are puny when alone. Light shines brightest when all the torches stand together in firm defiance of evil.

In this public hearing, we will all be hopefully soldiers of the light.

Magandang umaga sa kanilang lahat.