PAHAYAG NI LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. FRANCIS PANGILINAN SA P1000 BUDGET NG CHR

September 13, 2017

Hindi kami papayag sa Senado sa inaprubahan ng House na P1000 budget para sa CHR. Tututulan namin nang maigi ang pag-apruba nito sa Senado kahit pa hindi maipasa ang 2018 budget at ma-re-enact and 2017 budget.

Kalokohan ito.

Ngayon alam na natin ano ang mangyayari sa bansa natin kapag nag-cha-cha at itulak ang voting jointly na tig-isang boto lang ang mga Senador at Kongresista. Derecho na tayo sa diktadura.