PAHAYAG NI SEN. KIKO SA NET25

Sa management ng Net 25: Tama ba na sa pagbatikos sa akin ng inyong mga anchors na sina Nelson Lubao at Gen Subardiaga sa programang “Sa Ganang Mamamayan,” kung saan naging guest ninyo si Senador Dante Marcoleta, ay dinawit ninyo ang aking maybahay na si Sharon na wala namang kinalaman sa usapin ng kurakot sa flood control? 

Binastos ng programang ito si Sharon at sinaktan ninyo ang kanyang kalooban kahit na nananahimik siya at walang kinalaman sa issue ng korupsyon. Ito ba ay upang mapag-usapan at dumami ang inyong viewership? Tama ba na idawit ang isang inosenteng taong walang kinalaman sa official business ng Senado at gawing katawa-tawa ang kanyang pagkatao sa publiko? Ano ba ang ginawa ni Sharon sa inyong istasyon at sa mga anchorpersons, at binastos ninyo ang kanyang pagkatao? 

Hindi ganito ang mga propesyunal na mga broadcaster. 

Your anchors disrespected Sharon, insulted her, and wounded her feelings by dragging her in this issue. She deserves a public apology from Net 25 and your anchorpersons. 

Huwag ninyong idinadawit ang mga inosente at binabastos lalo na ang mga asawa ng mga Senador na wala naman kinalaman sa mga usapin sa Senado.