Pangilinan: Kaisa ako ng mga PGH doctors ng pagsuporta kay Doc Naty

February 21, 2022

“Ngayong araw, Pebrero 21, kaisa tayo sa isinasagawang panawagan ng mga dating kaklase at katrabaho sa UP-Philippine General Hospital (UP PGH) ni Dr. Maria Natividad Marian Castro o Doc Naty.

Kailangan si Doc Naty para ‘Dapat all may serbisyong medikal’. Bilang community doctor, front-liner siya para magamot ang mga nasa laylayan.

Isinasaad ng ating Saligang Batas na ALL Filipinos, merong karapatang sumailalim sa tamang proseso bago o habang hinuhuli. Hindi pwedeng hindi niya alam kung bakit siya hinuhuli o itago siya sa mga abogado niya at kaanak.

Dapat itanghal ang mga doktor na pinipiling maglingkod sa pinaka walang-wala, hindi imbentuhan ng kung ano-anong paratang.

Tulad ng pagtanghal natin sa kadakilaan nina Dr. Johnny Escandor at Dr. Bobby dela Paz.”

×