Piliin ang may respeto sa babae, huwag ang bastos: Sen. Kiko

Sen. Francis Pangilinan, Otso Diretso campaign manager, on International Women’s Day

Piliin ang may respeto sa babae, huwag ang bastos: Sen. Kiko

Bakit walang International Men’s Day? Bakit isang buwan lang ang women’s month?

Siguro kasi, pinapaalala sa atin, lalong-lalo na sa mga lalaki, na sa patriarchy, na siyang dominanteng pag-iisip at kalakaran sa lipunan, ang layo na nang narating ng pakikibaka para sa pagkapantay-pantay, sa pagturing sa kakayahan, at sa pagkilala sa mga kakaibang laban ng mga babae.

Iba ang panahon ngayon: Ginagawang biro ang panggagahasa at pambabastos. Ginagawang tama ang krimen. Sinasalaula ang pagkatao ng mga babae.

Buti na lang may mga tumatayo para sa tama, laban sa krimen. Kasama natin sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tañada na ipinagdiriwang ang kapangyarihan ng pumapasan sa kalahati ng kalangitan. Kasama rin natin silang itataguyod ang tama para sa mga nanay, kapatid, asawa, anak, at kaibigan natin.

Itatangi natin si Samira Gutoc, na kamakailan ay ginawaran ng United Nations Development Programme ng N-Peace Award. Salamat sa iyong paninindigan para sa tama at dapat.

***

Choose those who respect women: Sen. Kiko

Why is there no International Men’s Day? Why do we celebrate women for only one month?

Maybe because we, especially men, are being reminded that under patriarchy, the dominant thought and culture in society, women have gone a long way in their struggle for equality, recognition of their ability, and acknowledgment of their distinct fight.

Times are different: Rape and misogyny have become regular topics of joke. Crimes have been normalized. Women’s dignity has been under attack.

Good thing we have people who stand up for what is right and are against crime. We have Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, and Erin Tañada who celebrate with us the power of those who hold up half of the sky. They are also with us in championing what is right for our mothers, sisters, wives, daughters, and friends.

Special mention is Samira Gutoc, who was recently given the United Nations Development Programme N-Peace Award. Thank you, Sam, for championing what is right and needed.