RESPONSE OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. FRANCIS PANGILINAN TO REPORTERS’ QUERIES ON PRESIDENT’S HEALTH

Ang kalusugan ng Pangulo ay hindi lamang personal na usapin. Usapin ito ng interes ng bansa, kaya nga ito nakasaad sa Saligang Batas. Hindi ito personal. Ang kanyang kalusugan ay kasama sa trabaho ng pangulo. Kahit sinong presidente pa ang nakaupo, kaalyado man o hindi, ganito rin ang ating magiging posisyon. Sana maunawaan niya ito.